JAS DIARRHEA OUTBREAK UPDATE
MAAYONG KAADLAWON JASENYOS.
May Diarreha cases sa Brgy. Butuan, JAS, Davao Occidental. Sa ngayon, inaalam pa natin ang sanhi ng nasabing outbreak. Pwedeng sa tubig, pwedeng sa pagkain.
... Kahapon ng umaga, matapos ko matanggap ang report ni former Mayor Jimmy Joyce, ay agad tayong nakipag-usap sa ating MHO Doc Lachica upang magpadala ng team sa nasabing Barangay. Nagpa-prepare na din po tayo ng dextrose at iba pang gamot. Naka-standby na rin ang ating mga rescue vehicles para madala ang mga pasyente sa mga hospitals. May mga staff po tayo na naka-assign sa Malita, Glan at GenSan kung sakaling ma-refer ang mga pasyente. But as of now, our District Hospital staff are performing excellently.
I will provide frequent update on this. Please pray for our beloved JASENYOS. 🙏🙏🙏 #jasdiarrheaoutbreak
See more