KCC MALL OF COTABATO : Full operational na ang Konstruksyon ng KCC Mall sa Cotabato City.
Ito ang Kinumpirma sa Bandera News Team ni Cotabato City Engineer Samuel Jorolan.
July 1 nang magsimula ang Konstruksyon at inaasahan na matatapos sa loob ng Isa’t kalahating taon ( 1 ½ Year ).
Ang KCC Mall of Cotabato ay pinondohan ng 1.6 Billion pesos na matatagpuan sa Barangay Rosary Heights 2 Cotabato City.
Sa ngayon ay nasa bahagi na ng Land preparation, pagsasagawa ng bunk house para sa mga Construction worker, perimeter fence, lugar kung saan I mi-mix ang sand, gravel at cement, hauling of sand and gravel at Clearing operations sa Construction site.
Sinabi ni City Engineer Samuel Jorolan sa Bandera News Team na ang KCC Mall ay apat na palapag o 4 storey at may lawak na 11 hectares.
Elevated ang parking space, ibig sabihin sa loob ng gusali ang parking area.
May department store, grocery, wet market, maraming stalls for rent at iba pa.
Maliban sa Mall ay mayroong ding itatayo na 11-storey Hotel sa phase 2 ng konstruksyon.
Ito ay isa lamang sa mga malalaking proyekto na ipinatutupad ngayon sa Cotabato City na makapag bibigay sigla sa takbo ng ekonomiya ng Lungsod.
End
[ Source : Cotabato City Engineer Samuel Jorolan ]
By : Kristine Carzo, Bandera News TV Cotabato