UNVEILING CEREMONY NG MAGELLAN ELCANO EXPEDITION HISTORICAL MARKER, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA NGAYONG ARAW SEPT. 22, 2021 SA BAYAN NG ABORLAN.
Matagumpay na isinagawa kaninang pasado alas siete ng umaga, Sept. 22, 2021 sa Sitio Marikit Brgy. San Juan sa bayan ng Aborlan ang unveiling ceremony ng Magellan Elcano expedition historical marker.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Palawan kay Prof. Michael Angelo Doblado, director ng Palawan Studies Center ng Palawan State Unive...rsity, sinimulan ng kanyang tanggapan ang pagsasaliksik at pag-aaral hinggil sa dami ng lugar sa palawan na pinuntahan at dinaungan ng Magellan Elcano voyage noong March 16, 1521 noong May 2019 at natapos ng halos pitong buwan noong buwan ng Nobyembre ng kahalintulad na taon.
Ani Doblado dapat kasing matapos ang kanilang research and position paper hinggil dito bago matapos ang 2019 upang magkaroon ng sapat na panahon at oras ang national historical commission of the philippines upang pag-aralan ito.
Ikinatuwa ni Doblado na kinilala ng National Historical Commission of the Philippines o NHCP ang kanilang pag-aaral kung saan napatunayan na base sa kasaysayan, unang sinubok ng Magellan Elcano voyage mag-landing o mag-anchor sa baybayin ng Sitio Marikit, Brgy. San Juan sa munisipalidad ng Aborlan ngunit nabigo ang mga ito matapos silang panain ng mga katutubo sa lugar.
Ayon pa rin kay Doblado, lumabas sa kanilang research na mula sa bilang na kabuuang 34 historical marker, apat sa mga ito ay makikita sa Palawan partikular sa nga bayan ng Aborlan, Bataraza, Brooke's Point at Balabac na parehong pinuntahan ng magellan elcano expedition noong 1521 o limang daag taon na ang nakakaraan, kung saan napatunayang sa palawan, sa munisipyo ng Brooke's Point unang dumaong ang grupo ni Magellan.
Kaugnay nito, binanggit ni Doblado na inaayos na ang schedule para sa unveiling ceremonies ng Magellan Elcano historical marker sa tatlo pang nabanggit na munisipalidad.
Samantala, dumalo sa naturang aktibidad ang mga miyembro ng Aborlan municipal council, mga representante nina Palawan 3rd District Cong. Gil Acosta Jr. sa katauhan ni dating Brgy. Sicsican Councilor Ronnie Dayata at Palawan 2nd District Congresswoman Cyrille Abueg Zaldivar sa katauhan ni Board Member Al Rama.
Nakiisa rin sa gawain ang presidente ng Western Philippines University Dr. Julie Hope P. Evina, mga dept. heads ng munisipyo ng Aborlan, at Aborlan Mayor Celsa Adier.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng alkade ang pamunuan ng PSU partikular ang tanggapan ni Prof. Michael Angelo Doblado dahil sa matagumpay na pagtuklas sa kabilang bahagi ng kasaysayan ng pagdating ni Magellan sa Palawan na aniya'y sa di kalaunan ay posibleng maging pangunahing atraksyong pang turismo ang naturang historical marker na maaaring magpataas ng antas ng ekonomiya sa kanilang lugar.
Hindi naman nakarating si NHCP Chairman Rene Escalante kung kaya't si Prof. Doblado ang nagbasa ng kanyang mensahe at si Doblado rin ang nagsilbing representante ni PSU President Dr. Ramon Docto na hindi rin nakadalo sa okasyon.
Pormal din itinurn-over ni Doblado kay Mayor Celsa Adier ang kopya ng journal na ipinadala nito sa pamunuan ng NHCP bilang tanda na kinikilala ng komisyon ang researh at position paper ni Doblado hinggil sa Magellan Elcano voyage.
Ang National Committee on Quincentennial celebration ay binuo sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte para tumutok sa ibat iba pang makasaysayang pangyayari sa buong bansa ilang daang taon na ang nagdaan.
Ngayong taon ay ang pag-obserba ng 34th quincentennial milestones o ang ika limang daang taon ng anibersaryo sa visayas, Palawan at Mindanao na mas kilala sa tawag na 2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines. (DAMIAN LACASA JR)