May nag tag sa akin nito, a few days ago. 'Di ko alam meron pala siya sa internetz world aaak! Since ako'y kasalukuyang bini-bwiset ng aking tumatakbong ilong na binara ko ng tissue, naisip kong pakinggan na nga rin siya, habang nag ku-kwento sa inyo, at habang nag aantay sa laro ng DLSU-ADMU.
>> Lots of trivia para sa mga mejo too young nung 2001, and dahil 'di na uso yung music magazines with lots of interesting info on bands >>
-- I think eto yung first TV gig nitong akin...g mega-biased fave Maya lineup
-- Few months old pa lang ako nag be-bass nito, and sakto first song pa lang dito (narinig ko now while I type this), sabit hits na ako. Haah!! I am the poser in composer.
-- Napaka grabe nitong 2001 na'to. Phew! 13 y/o pa lang meee. *crickets* Early that year nilabas ang debut album ng aking Daydream Cycle. On our 2nd live gig sa Gotham, in Malate, kung saan andun si Corics, ang kanyang dating girlfriend, at ang aming dating manager, doon nila ako na-spottan. Ako ang nag be-bass sa recording ng DDC, pero sa live, si Dok - ang utol ko na, during that time, pino-produce ni Corics yung album nila sa Teeth yung "...Teenage Tree" album. Siya muna yung nilapitan, after our set, tapos finast-break ni Dok sa akin dahil sabi niya ako yung gumagawa ng bass lines.
-- By April of that year, nag se-session na ako sa gigs. Ang gitarista noon ay yung dating "permanent session guitarer" ng Maya na si J-John, na kakilala ko rin at kapitabahay namin ni Marky sa southside.
-- Nung panahon na 'to ginagawa yung "Alab Ng Puso" para sa movie nila Robin Padilla. If I remember correctly, si Corics na lang din ata yung nag record nung lahat ng parts sa song na yun, using a drum machine, pero kami ni Marky yung tumutugtog sa pre-prod jam.
-- One day, after ng isang jam, nilapitan ako ni Corics and 'di ko alam ano nakain nun at tinanong ako kung mas comfy ba ako sa gitara or sa bass?! Hayop sa tanong eh, parang napaka husay ko para mamili pa eh. Tagoink! 😆 Kahit na napaka paltos na ng daliri ko kaka habol sa practice (salbahe ang strings ng bass, oo), siyempre pinili ko bass, dahil napaka hindi ako marunong mag "lead" guitar, at hindi ko siya pwedeng i-poste kagaya ng bass... tapos inisip ko pa lang si Perf ('90s Maya guitarer), nag welga na lalo mga daliri ko.
-- By May, nakita ko na si Kakoy kila Marky, kung saan kami nag-jajam. Si Yani din, na dating Pupil, ay jumam once or twice. Later that month, sumulpot at nakilala ko si Mikee, na late sa aming rehearsal sa studio sa Makati ata yun, kasi galing siyang work sa ABS-CBN (haaay nako late, so unprofessional that guy hmph!)
-- Shortly after that, tinext ako ni Corics na something like, "Ang lupit ng bagong banda natin," and me being me, siyempre ang sagot ko... "Hu u?" 😆 De jowks lang yun siyempre... haha... ang reply kong tunay, "Na-wrong send ka ata, men." Tagoink. 😆 Kahit mga 2 months of lotsa gigs na rin yung nasalangan ko, talagang inenjoy ko na lang kasi siya dahil ang ineexpect ko ay makakahanap sila ng proper bass-er easily and soon. Langya sinama ako sa banda, biruin mo?
-- By June, this lineup had its first live gig sa Alabang Town Center para sa Pocket Concerts ng NU. I think, for at least a year, 'pag pumipirma ako nun sa mga CD, panyo, etc., ang nilalagay ko na name ay "Nathan", para 'di na ako mag explain... saka para at least kahit sabit-sabit, si Nates ang masisisi. Nyahahaaay 😆
-- Aaanyway, mid-year pa lang, ang haba na ng kwento... so ayun, nag shoot kami para dito sa then-new show ng Myx na "Halo-Halo" kung saan si Lourd showed no mercy. 😆 Shortly after that, we finished recording and released yung "Tuloy Ang Ligaya" album. Ang dami pang interesting in-between bits, pero sobrang wild sa haba na nito, and kailangan ko na mag re-load ng pambara sa ilong! Haaachooo! Saan ba makaka download ng Kaspersky para sa ilong? 😤
See more