Nakamit na ng pamunuan ng MRT-3 ang 100% testing and commissioning ng bago at modernong signaling system nito, na isa sa mga mahahalagang proyekto sa ilalim ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng rail line.
Isinailalim sa mga serye ng tests ang modernong signaling system ng MRT-3, at nagagamit na mula ika-24 ng Oktubre 2021, under close monitoring hanggang sa katapusan ng buwan.
Ang signaling system ang dahilan ng maayos na pagpapatakbo ng mga tren sa ligtas na distansya sa mainline.
Lagpas 20 taon na ang lumang signaling system ng MRT-3, kung kaya't karamihan sa mga components ay nasa kanilang end-of-life na dala ng wear and tear kung hindi man tuluyan nang outdated o obsolete.
Sa bagong signaling system, binigyan ng full upgrade ang mga hardware gayundin ang software lakip ang bagong teknolohiya.
Pinalitan ang mga copper signal cables sa mainline ng modernong fiber optic cables. Bukod rito, pinalitan din ang mga lumang signal lights, na ginagamit bilang hudyat sa pagpapaandar o pagpapahinto ng mga tren, ng kabuuang 71 bago at LED-enabled signal lights sa lahat ng mga istasyon.
Ang iba pang upgrades sa bagong signaling system ay: bagong point machines, bagong track circuits, bagong interlocking equipments, at bagong object controllers.
Kritikal ang lahat ng mga component na ito sa maayos na operasyon at ligtas na pagbyahe ng mga tren, upang mas mapaginhawa ang biyahe ng mga pasahero.
Nakatakdang magtapos ang rehabilitasyon ng MRT-3 ngayong Disyembre 2021.
#DOTrPH 🇵ðŸ‡
#DOTrMRT3
#SulongMRT3