Unveiling of Historical Marker "Dulo ng Palawan"
November 9, 2021 - Sinaksihan ng iba't-ibang bisita at opisyales mula sa lalawigan at lokal na pamahalaan kasama ng mga guro sa bayan ng Bataraza ang mahalagang araw na ito.
Ayon sa kasaysayan ang lugar na ito, Buliluyan, Bataraza, Dulo ng Palawan ay naging "Ruta" ng Ekspidesyong Magallanes-Elcano sa Pilipinas.
... " Matapos ang ilang buwang paglalagi sa Brunei, Hulyo hanggang Setyembre 1521, bumalik pahilaga ang ekspidisyon at narating ang dulong timog ng Palawan (ngayo'y Buliluyan, Bataraza, Palawan). Si Tuan Mahamud, pinuno ng Palawan, ay binihag ng ekspidisyon upang ipatubos kapalit ng pagkain, 30 Setyembre 1521. Pinakawalan ang pinuno at nagkasundong magturingang mag kaibigan, 1 Oktubre 1521. Nag-abot ang pinuno ng sapat na mga pangangailangan sa ekspidisyon, 7 Oktubre 1521. Bilang pasasalamat, pinag kalooban ng ekspidisyon ang pinuno ng iba't- ibang kasangkapang galing Europa at ibinalik ang mga Armas nito. Tinahak ng ekspidisyon ang kahabaan ng kapuluang Sulu upang makalikom ng impormasyon hinggil sa Maluku, noo'y kilalang pinagmumulan ng mga pampalasa (bahagi ngayon ng Indonesia), 7 Oktubre 1521.
Ang panandang pang-kasaysayang ito ay pinasinayaan bilang ambag sa paggunita ng ika-500 anibersaryo ng unang pag-ikot sa daigdig. "
See more